Du30 sinibak ang OGCC head dahil sa isyu ng katiwalian

SINIBAK ni Pangulong Duterte si Office of the Government Corporate Counsel (OGCC) head Rudolf Philip Jurado dahil sa isyu ng katiwalian.

“May I call the Government Corporate Counsel now. Are you in this…? Nandito ka? Kasi kung nandito ka lumabas ka, p***** i** mo. You are fired,” sabi ni Duterte sa kanyang talumpati sa Malacanang.

Nauna nang inakusahan si Jurado ng umano’y pagpabor sa negosyante, partikular ang mga kompanyang na may kaugnayan sa gambling at gaming.

Inakusahan din si Jurado ng pag-aapruba sa 75-taong lease agreement na pinapayagan ang isang banyagang korporasyon na magtayo ng isang casino-hotel sa halagang P150 per square meter ng walang gambling. Binigyan din umano niya ng gambling permit ang isang kompanya.

Itinanggi ni Jurado ang mga akusasyon.

Read more...