Ayon sa Department of Transportation-MRT, isang tren na pa-north bound ang nagkaroon ng problema sa pintuan sa pagitan ng Magallanes at Ayala station alas-7 ng umaga.
Dahil walang madadaanan nagpatupad ang MRT ng provisional service o ang biyahe lamang ng mga tren ay mula North Avenue station hanggang sa Shaw Boulevard station at pabalik.
“Provisional service was lifted and normal operations resumed at 7:39 am,” saad ng advisory ng DoTr-MRT.
Alas-8:22 ng umaga ng mahila pabalik sa depot ang nasirang tren.
MOST READ
LATEST STORIES