Rufa Mae nagluluksa sa pagpanaw ng ina: Ang sakit-sakit!


PUMANAW na ang ina ni Rufa Mae Quinto. Nag-post ng kanyang emosyonal na mensahe ang komedyana sa Instagram para sa kanyang Mommy Carol kasama ang litrato nilang mag-ina at ng anak niyang si Alexandria.

“Ma, I love you. Lagi ko tatandaan yung sinabi mo na wag ka matakot, maging matapang ka para sa anak mo. Ang sakit mawalan ng ina mommy Carol. Rest in peace. We love you.

“Ang picture na ito kuha 2 weeks ago kasi 3 generations kami dito. Ito na pala ang last picture natin pero forever we will miss you. Birthday ko pa naman. At least pumikit ka lang at na-tulog. Nakita mo ang apo mo.

“Naka attend ka ng first birthday ni [Alexandria] at nakita mo ako kinasal, lumagay sa tahimik. Kaya ikaw din, tahimik na,” ang mensahe pa ni Rufa Mae.

Read more...