Hirit na P750 minimum wage ihihirit sa Kamara
MAGKAKAROON ng panukala ngayong araw sa Kamara de Representantes ang mga militanteng kongresista upang gawing P750 ang national minimum wage.
Sasabayan ito ng Makabayan bloc ng kilos protesta sa labas ng Kamara de Representantes bukas.
Ayon kay Anakpawis Rep. Ariel Casilao kailangan na taasan ang sahod sa buong bansa upang mabawasan ang epekto ng Tax Reform for Acceleration and Inclusion na ipinatupad ng gobyerno mula noong Enero.
“Filipino workers are actually slaves, they are without tenure and given alms at amounts obviously could not support a family, hence, the call for a P750-national minimum wage is a social justice and democratic measure,” ani Casilao.
Patunay umano dito ang mataas na presyo ng produktong petrolyo kung saan umabot na sa P70 ang kada litro ng gasolina sa Palawan at P66 naman sa Baguio City.
“Automatically with the spike of fuel products, basic goods and service follow suit. While the cost of living rises, no corresponding wage hike is realized, which makes the Filipino workers being sandwiched to having with low purchase power and impoverished state.”
Sa kasalukuyan ang minimum wage sa Metro Manila ay P512 samantalang sa Autonomous Region in Muslim Mindanao ay P265 kada araw.
Dagdag na pahirap din umano ang pagtaas ng singil sa kuryente at may nakaamba pang pagtaas sa Hunyo.
“Higher and national levels of minimum wage will benefit not just the Filipino workers but the whole population, as the social wealth will be brought back to the national economy and industry, spurring national development.”
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.