MAGHAHARAP-HARAP sa Smart Araneta Coliseum ang mga sikat sa Philippine cockfighting ngayong Lunes sa paghatid ng undisputed gamefowl feeds at vetmed company na Thunderbird ng 2018 Thunderbird Manila Challenge one-day 6-Cock All-Star Derby, ang isa sa mga star-studded cockfighting event ng bansa.
Ang Thunderbird Manila Challenge All-Star Invitational 6-Cock Derby ay katatampukan ng Thunderbird Power Feeds at Thunderbird Powervet national endorsers at Thunderbird Regional Challenge champions.
Ang pagsumite ng timbang ay nakatakda ngayon at susundan ito ng computerized matching process.
Kabilang sa listahan ng mga kalahok sina Engr. Sonny Lagon, Rafael “Nene” Abello, Dicky Lim, Gov. Eddiebong Plaza, Nestor Vendivil, Rey Briones, Cong. Lawrence Wacnang, Joey Sy, Boy Tanyag, Pol Estrellado, Boy Marzo, Engr. Sonnie Magtibay, Mayor Baba Yap, Bebot Monsanto, Frank Berin, Joe Laureño, Baham Mitra, Carlos Tumpalan, Boy Lechon, Pao Malvar, Vic Lacsao, Tan Brothers, Kano Raya, Lino Mariano, Tol Mariano, Bernie Tacoy, Winnie Codilla, Marcu del Rosario, Bentoy Sy, Dennis de Asis, Mayor Jesry Palmares, Hermin Teves at Nene Araneta.
Makakasama rin nila ang mga Regional Challenge solo champion na sina Engr. Taguibao (ECT Gamefarm) na nagwagi sa North Luzon, Charlie “Atong” Ang (AA Viking) na nanalo sa South Luzon noong Abril 27, Hector Ching (HC Gamefarm) na naghari sa Central Visayas noong Abril 29, at Warnell Dellota/Chito Tinsay (June 16 Iloilo Coliseum) na nagdomina sa Western Visayas noong Abril 29.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.