Buking: Gastadorang female personality iniimbestigahan na, pati boyfriend sabit

MARAMING dating katrabaho ng isang female personality ang hindi na nagugulat sa ibinabatong kontrobersiya ngayon laban sa kanya. Lumang tugtugin na raw ‘yun.

Kilalang-kilala ang babaeng personalidad na ito sa bilis niyang magkagusto sa mga kalalakihan, konting panahon lang, nakikipagrelasyon na siya.

At hindi kagandahan ang paglalarawan sa kanya ng mga dating katrabaho niya, bukod sa walwal na ang female personality, datungera pa siya.

Kuwento ng isang source, “Bago pa ba naman ang isyung ipinang-aakusa sa kanya ngayon tungkol sa pagbibitbit niya ng guy sa lahat ng lakad niya? Sirang plaka na ‘yun!

“Di ba, nu’ng meron pa siyang show na sila rin ng mommy niya ang producer, e, ‘yun na ang palaging issue tungkol sa kanya? Kahit ang mga co-hosts nga niya, di ba, naging karelasyon din niya?

“Madatung kasi ang babaeng ‘yun, spoiled siya sa mommy niya, marami siyang perang gagastusin sa madalas niyang pagpapainom sa mga kalalakihan!

“Napakabilis niyang magka-boyfriend, ‘yun nga lang, puro datung naman ang dahilan nu’n ayon na rin sa mga nakakasama niya sa trabaho,” simulang kuwento ng aming source.

Naging malaking isyu rin nu’n ang madalas na pagsi-shopping ng female personality na bitbit ang kanyang boyfriend. Grabe siyang gumastos, pirma lang siya nang pirma sa resibo, gasgas na gasgas ang kanyang credit card.

Grabeng makipagrelasyon ang babaeng ‘yun! Spoiled sa kanya ang guy, sunod ang luho, dahil sobrang datungera nga ang babaeng ‘yun!

“Pero hindi siya nag-ingat, hanggang sa trabaho niya, e, binibitbit pa rin niya ang boyfriend niya sa mga biyahe niya kahit hindi naman kailangan dahil wala namang connection ang guy sa work niya.

“Kung saan-saan niya binibitbit ang lalaki, kaya ayan, meron siyang kailangang ipaliwanag ngayon sa mga pinaggagagawa niya. Tapos na ang maliligaya nilang araw ng boyfriend niya, nasilip na sila, kaya iniimbestigahan na sila ngayon!” kuwento pa ng aming source.

Bradly Guevarra at Tita Nene Ulanday, pati kayo, Jon at Ching Bautista Silverio, siguradong kilala n’yo ang kontrobersiyal na babaeng ito. Mga kabayan, kilala n’yo rin siya, impernes.

Read more...