Alden kinampihan ang talent manager, wala raw silang nilolokong mga fans

ALDEN RICHARDS

DUMEPENSA na si Alden Richards sa discoverer-manager na si Carlites de Guzman.

Pinabulaanan niya ang bintang kay Carlites na kinukuwartahan siya umano nito kaugnay ng paniningil sa fans na pumupunta sa meet and greet event niya.

Patunay lang na ang ginawa ni Alden ay pagtanaw ng utang na loob kay Carlites na pinabayaan na raw niya mula nang maging Pambansang Bae. Hindi kilala ng mga naninirang ito kay Alden ang tunay niyang pagkatao sa likod ng kasikatan niya.

Sa totoo lang, puwedeng niligwak ni Alden si Carlites nang alagaan siya nang husto ng GMA Network. Never kasing naging visible sa showbiz ang discoverer niya kaya akala ng marami ay itinapon na niya ito sa gitna ng kasikatan at karangyaang tinatamasa, huh!

Hindi ganyan ang ugali ng Pambansang Bae. Anong silbi pa ng pagiging madasalin niya at pagtu-tweet ng may kaugnayan sa Diyos kung sa likod pa nito eh, masama ang ugali niya?

Kahit na nga ibato sa kanya ang pinakamaruruming tsismis, never siyang naging combative sa mga bumibira sa kanya. Mas pinaiiral niya ang kanta ng Ex Battalion na “Hayaan Mo Sila” kesa makipagbangayan in print and social media.

Marunong tumanaw ng utang na loob si Alden. Marunong siyang magbahagi ng blessings sa mga taong alam niyang nakakatulong sa kanya.

Marami siyang trabaho na kailangan pag-ukulan ng atensyon kesa sa mga petty issue na wala namang basehan, huh! Aba, may bagong TV series ngayon si Alden kaya du’n na lang niya uubusin ang kanyang atensiyon at lakas. Tama na ‘yang mga kababawang bintang sa kanya, ‘no?

 

Read more...