Sinong sikat na female singer ang isasama ni Kris kapag namanhikan na si Bimby?

 

ANGELINE QUINTO AT KRIS AQUINO

Isasama ni Kris Aquino si Angeline Quinto kapag dumating ang araw na mamamanhikan na si Bimby sa pamilya ng babaeng pakakasalan nito.

Na-interview ni Tetay si Angeline sa bagong webisode nito at dito nga pinagbigyan ng Kapamilya singer-actress ang mga request ng Social Media Queen.

Caption ni Kris sa litrato nila ni Angeline na kuha during the interview, “Promise- kung mamamanhikan na si Bimb, I’m bringing @loveangelinequinto & she’ll be singing this outside the girl’s home habang naglulupasay ako & umiiyak ng walang humpay. #promise.”

In fairness, kahapon umabot na sa mahigit 301,000 views ang IG post ni Kris habang more than 18,000 likes na ang nakuha nito mula sa netizens.

Read more...