Hirit ng Grab: Ibalik ang P2/minute fare

HINILING ng Transport network company Grab Philippines sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na ibalik ang P2 kada minutong ipinapataw nito.

Sinuspinde ito ng LTFRB noong Abril sa harap naman ng kontrobersiya matapos itong isapubliko ni Puwersa ng Bayaning Atleta (PBA) partylist Rep. Jericho Nograles na kung saan sinabi niyang aabot sa P3.2 bilyon ang sobrang singil ng Grab sa mga kostumer nito.

“The suspension of the travel time charge has given unwarranted benefits, advantage and preference to other transport network companies,” sabi ng Grab.

Idinagdag ng Grab, na pinayagan naman ng LTFRB ang mga bagong kompanya na magpataw ng kada minutong karagdagang bayad.

“The suspension by the LTFRB of the per minute fare imposed by the petitioner is an infringement of the equal protection clause guaranteed by the Philippine Constitution,” sabi pa ni Grab.

Read more...