Sinabi ng MMDA na sisimulan ng Department of Public Works and Highways (DPWH) ang mga pagsasaayos ng mga kalsada mula alas-11 ngayong gabi hanggang Mayo 28.
Kabilang sa mga apektado ay ang soundbound ng:
– EDSA mula sa Samson College bago dumating ng P. Tuazon St.
– EDSA Eugenio Lopez St. hanggangvScout Borromeo
Northbound road ng:
– EDSA sa harap ng Vertis North hanggang Trinoma Mall
– Quirino Highway malapit sa Mater Carmeli School
– España Boulevard papuntang Quiapo sa harap ng Ramon Magsaysay High School
– A. Bonifacio Avenue, Quezon City Mauban St.
– Congressional Avenue sa harap n Business Bank hanggang Mindanao Ave.
Idinagdag din ng MMDA na madadaanan na ang mga apektadong kalsada alas-5 ng umaga sa Lunes.