Napoles wala na sa WPP-DOJ

INIHAYAG ng Department of Justice (DOJ) na wala na sa ilalim ng Witness Protection Program (WPP) ang tinaguriang reyna ng pork barrel scam na si Janet Lim Napoles.

Matatandaang inaprubahan ni dating Justice secretary Vitaliano Aguirre na isailalim si Napoles sa provisional WPP.

Inalmahan naman ito ng iba’t ibang grupo.

Kinasuhan si Napoles ng plunder kasama ang iba pang sangkot umano sa P10 bilyong pork barrel scam.

Read more...