La Luna, Bagani, Wildflower top trending topic sa Twitter

KATHRYN BERNARDO AT DANIEL PADILLA

PINAKAPINAG-USAPAN sa Twitter ang Kapamilya teleserye na La Luna Sangre, Bagani at Wildflower base sa inilabas na Twitter Entertainment Index para sa Q1 ng taong 2018.

Sa record ng Twitter, napanatili ng La Luna Sangre ang record nito bilang isa sa top trending topics sa bansa na nakakuha ng 28.8 million tweets simula nang ilunsad ito noong June, 2017 at 1.4 million tweets naman para sa finale episode nito na gumamit ng hashtag na #LaLunaTheFinalBattle.

Pumangalawa naman sa listahan ang fantaseryeng Bagani na trending gabi-gabi sa Primetime Bida ng ABS-CBN. Pinagbibidahan ito nina Liza Soberano at Enrique Gil na tinawag ng Twitter bilang “one of the hottest loveteams.”

Ikatlo naman sa listahan ang Wildflower na umani umano ng tweets dahil sa “thrilling performance” ng bida nitong si Maja Salvador.

Wildest ending din na matatawag ang finale ng show na may hashtag na #WildflowerWildestEnding kung saan nanaig ang hustisya kaysa paghihiganti.

Bukod sa Top Teleseryes sa Twitter, naglabas din ang micro-blogging site ng listahan ng Top Male Celebrities na pinangungunahan ni Vice Ganda kasama sina Donny Pangilinan, James Reid at Ronnie Alonte.

Sina Maris Racal, Loisa Andalio, Maymay Entrata at Kathryn Bernardo naman ang kabilang sa top 5 pagdating sa female celebrities.

Para naman sa Top Love Teams on Twitter, pasok sa listahan at pinakagumawa ng ingay ang MayWard, KissTon, DonKiss at JaDine.

Read more...