Jaya napaiyak sa pagresbak ni Vice Ganda laban sa mga bastos, laiterang bashers

JAYA AT VICE GANDA

NAPAIYAK si Jaya sa ginawang pagtatanggol sa kanya ni Vice Ganda laban sa kanyang mga bashers.

Grabe kasi ang tinanggap na panlalait ni Jaya matapos ihayag ang resulta ng Tawag Ng Tanghalan sa It’s Showtime noong Martes. Hindi nagustuhan ng madlang pipol ang pagkakatanggal ni Aila Santos sa singing competition.

Mas pinaboran kasi ng mga hurado ang kalaban nitong si Ato Arman na siyang nakakuha ng isa sa Seats of Power sa TNT na posibleng magdala sa kanya sa grand finals. Si Jaya ang nagsilbing punong hurado nang maganap ang announcement.

Sa live episode ng Showtime nitong nagdaang Miyerkules, hindi umupo si Jaya bilang hurado sa TNT.

Dito nga nagsalita si Vice at ipagtanggol ang Queen of Soul sa mga haters at bashers nito.

“I felt so bad for Miss Jaya. Kasi there are a number of Aila fans na bina-bash si Miss Jaya kahapon.

And there was no reason for you to bash Miss Jaya kasi, kung hindi niyo po alam, Miss Jaya was one of the two judges who voted for Aila.

“So, ayun po. Someone has to stand up for Miss Jaya. I just want to defend her kasi it is not fair for her na bina-bash siya kahapon. Nababasa ko, pinipersonal siya, e.

“Hindi niyo po alam na si Miss Jaya ang isa sa dalawang judges na bumoto kay Aila kaya huwag mangba-bash,” ang pahayag ng Unkabogable Star.

Matapos marinig ang pagtatanggol sa kanya ni Vice, nagpasalamat naman si Jaya sa TV host-comedian sa pamamagitan ng Twitter, “I love you @vicegandako for speaking on my behalf. I’m crying now because I absolutely felt your sincerest love. God bless you my friend.”

Bago pa magsalita si Vice, nag-post na sa kanyang Instagram account si Jaya ng kanyang saloobin tungkol sa mga taong bastos. Aniya, “Never respond to rudeness. When people are rude to you, they reveal who they are, not who you are. Don’t take it personally, be silent.”

Read more...