Richard Yap isa lang lagi ang wish tuwing b-day

RICHARD YAP

NASA work si Richard Yap when he celebrated his birthday. Nasa concert siya ni Richard Poon. Then, nag-dinner lang sila ng kanyang pamilya.

“It was a working birthday. Supposed to be may taping ako ng Friday but nag-taping kami ng Thursday.

Siguro pinagbigyan ako. Nag-guest ako sa concert ni Richard Poon. Nag-celebrate kami noong Sunday with my family, kumain lang sa labas,” say niya.

“I don’t have a birthday wish for myself except good health lang kasi itong trabaho natin is not healthy especially with the work that we have. Most of my birthday wishes are health, being with my family and to have successful kids,” say niya sa birthday blog con for him sa set ng Sana Dalawa Ang Puso where he plays Martin Co.

So, ano ang puwedeng i-expect na magaganap sa SDAP? “I guess since magkakilala na sina Leo, Martin, Mona at Lisa, siguro ‘yun ang dapat abangan,” he said.

Read more...