Kim binabayaran ng P500 noon bilang ekstra

KIM DOMINGO

NAANTIG ang damdamin ni Kim Domingo nang makita ang isang picture sa Facebook ng kinalalagyan ng mga tinatawag ngayong talents sa TV at pelikula na ang tawag noon ay mga extra.

Pinost ng Kapuso sexy actress ang picture na ‘yon sa kanyang Instagram sabay alala sa panahong nagta-talent din siya noong high school days niya.

“Inet, pagod, puyat, gutom, halo-halo ang nararamdaman mo. Tas, pag kakain ka, kahit saan na lang basta may mapwestuhan ka. Ako nga na-experience ko sa kalsada naglagay lang kaming mga kapwa ko talent ng sapin para may maupuan kami para makakain kami kahit papano komportable.

“Tapos after kumain mahaba-habang oras na naman ang aantayin mo kung kelan ka isasalang sa eksena. Yung hindi mo alam ang oras kung kailan ka makakauwi,” bahagi ng caption ni Kim.

Masaya na si Kim na 500 pesos na naiuuwi niya mula 7 a.m. hanggang 8 a.m. the next day.

Natupad naman ang pangarap niyang maging artista kaya payo niya sa mga talent, ipagpatuloy lang ang ginagawa at magtiis at magtyaga dahil dadaloy rin daw ang ginhawa sa kanila.

“Wala kayong dapat ikahiya. Saludo ako sa inyo,” saad pa ni Kim sa kanyang mensahe.

Read more...