Horoscope, May 25, 2018

Para sa may kaarawan ngayon: Bukod sa pagbo-blow out, isama ang kasuyo sa pagsisimba. Sa ganyang paraan, tuloy-tuloy ang pasok ng suwerte at magandang kapalaran, higit lalo sa salapi at sa aspetong pang-emosyonal. Mapalad ang 7, 13, 22, 27, 34, at 43. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Ne-Pad-Me-Om.” Apple gree at blue ang buenas.
Aries – (Marso 21-April 19) — Sa pinansiyal, laging isama ang isang nilalang na may birth date na 6, 15, o kaya’y 24 – siya ang suwerte mo! Sa pag-ibig, hindi masamang bumigay sa hinihingi ng kasuyo upang patuloy kayong magkasundo at maging maligaya. Mapalad ang 3, 8, 9, 44, 41 at 48. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Ghaya-Aum-Traya.” Red at yellow ang buenas.
Taurus – (April 20-May 20) — Hinay-hinay lang sa pagkain upang hindi masyadong tumaba. Wag sayangin ang pera sa mga pagkaing matatamis, mamantika at maaalat. Sa pag-ibig, kapag napanatili ang pagiging sexy ay hindi ka iwanan ng kasuyong Virgo. Mapalad ang 5, 18, 29, 33, 43 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Sangkaan-Thaanam-Om.” Blue at purple ang buenas.
Gemini – (May 21-June 21) — Panahon ngayon ng Gemini. Tulad ng madalas nating ipaalala, magsuot lagi ng silver na alahas upang tuloy-tuloy na makamit ang suwerte at magandang kapalaran sa pag-ibig at maging sa materyal na bagay man. Mapalad ang 6, 9, 15, 24, 42, at 49. Mahiwaga mong mantra: “Kedemel, Hagiel.” Bukod sa silver ang blue ay buenas.
Cancer – (June 22- July 22) — Kailangan mo ng kasuyong Capricorn upang mas madaling yumaman. Kapag nag-iisa ka lang ay mahihirapan kang umunlad. Sa pag-ibig, kung Capricorn ang iyong kasuyo na medyo mataba na may malaking nunal sa mukha, tiyak na ang pagyaman. Mapalad ang 7, 16, 26, 34, 43, at 49. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Agla-Aum.” Green at red ang buenas.
Leo – (Jul 23 – August 22) — Suriing mabuti ang laman ng damdamin. Wag magpadala sa kapusukan. Oo, lalo kang uunlad kung iiwas ka sa kaimoralan. Sa pag-ibig, tandaan na ang maling relasyon ay lilipas din! Mapalad ang 1, 18, 24, 33, 44 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Krisna-Krisna-Rama-Rama.” Black at orange ang buenas.
Virgo – (August 23 – September 22) — Bukas ng umaga, habang sumisikat ang araw, isulat sa papel ang mga layunin. Makikita mo, kusa mo itong makakamit. Sa pag-ibig, habang pumapasok ang tag-ulan ay lalong iinit ang relasyon. Sa pinansiyal, wala sa kasalukuyang trabaho ang ikayayaman. Mapalad ang 8, 17, 29, 32, 40 at 45. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Suryaye-Maneh-Om.” Green at yellow ang buenas.
Libra – (September 23-October 23) — Hindi mo maiiwasan ang Facebook, kulang ka kasi sa recognition. Kung maa-addict man sa Facebook, pilitin na magkakapera ka rito. Sa ganyang paraan, nakapaglibang ka na, uunlad pa ang inyong kabuhayan. Mapalad ang 3, 15, 24, 33, 42, at 47. Mahiwaga mong mantra: “Krisna-Krisna-Ram-Rama.” Red at violet ang buenas.
Scorpio – (October 24 – November 21) — Ituloy ang matagal mong binabalak na negosyo. Ito ang panahon upang ikaw ay umunlad. Sa pag-ibig, huwag utos nang utos sa kasuyo baka makahalata na siya na ina-under mo. Mapalad ang 6, 15, 24, 33, 45 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Visnu-Veda-Vedya-Om.” Purple at lilac ang buenas.
Sagittarius – (November 22 – December 21) — Upang makasapol ng suwerte, subukang makipagsapalaran mula sa ika-25 ng Mayo hanggang sa ika-30 ng Agosto. Makikita mo may magandang kapalaran kang maiuuwi. Sa pag-ibig, isang Leo ang kusang mahuhumaling sa iyong kakaibang karisma. Mapalad ang 1, 17, 23, 31, 40 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Sucti-Suras-Sucti-Asuras.” Beige at maroon ang buenas.
Capricorn – (December 22 – January 19) — Upang yumaman, magpataba ka. Ang mga Capricorn na may bilugang pagmumukha at medyo chubby ang higit na yumayaman kung ikukumpara sa mga payat. Sa pag-ibig, okay ang mataba dahil mas masarap silang rumomansa at magmahal. Mapalad ang 2, 7, 19, 27, 33 at 45. Mahiwaga mong mantra: “Agla-Aum-Aum.“ Green at yellow ang buenas.
Aquarius – (January 20 – February 18) — Hindi dapat nakipagkalas sa dating kasuyo. Paano na ‘yan, lonely ka na naman ngayon? Hanapin ang kaibigang Libra, siya ang magpapaligaya sa iyo. Sa pinansyal, laging paghandaan ang kinabukasan upang hindi ka kapusin ng pera. Mapalad ang 3, 18, 27, 35, 40 at 48. Mahiwaga mong mantra: “Harin-Aum-Dosya-Omn.” Red at white ang buenas.
Pisces – (February 19 – March 20) — Hindi bagay sa iyo ang magsungit! Hindi mo ba alam, likas kang mabait. Ngitian ang mga kliyente upang kumita ng malaking halaga. Ngingiti ang suwerte at magandang kapalaran kung muli mong bibiruin at lalambingin ang minamahal. Mapalad ang 4, 16, 22, 25, 43 at 46. Mahiwaga mong mantra: “Mohah-Molkah-Om.” Green at yellow ang buenas.

Read more...