Showbiz couple niloloko ang publiko, hindi totoong hiwalay na

SA susunod na sumigaw ang magkarelasyong ito na hiwalay na sila ay belat lang ang magiging reaksiyon ng publiko. Pagtataasan lang sila ng kilay, dededmahin, dahil napaka-OA ng kanilang drama.

Inis na inis sa magkarelasyong ito ang mismong mga kapitbahay nila. Sige-sige kasi sila sa pagdadramang hiwalay na sila pero nakikita rin naman sila sa tirahan ng bawat isa.

Kuwento ng isang source na nabubuwisit sa kanilang mga drama, “Nakakaloka lang kasi dahil palagi nilang sinasabi sa mga interview nila at kahit sa social media na tapos na raw sila, break na, pero teka lang naman muna!

“E, habang sinasabi ‘yun ni ____ (pangalan ng magandang female personality), e, nagpupunta naman sa tirahan niya ang boyfriend niya! ‘Yun ba ang hiwalay na raw, pagkatapos ng interview ng guy, e, sa house naman ng girl ang tuloy niya? Mga plastic!” inis na sabi ng impormante.

Ganu’n din ang babae, palagi niyang sinasabi na wala na sila ng aktor, may pabura-bura pa siya ng mga pictures nila sa IG pero kumustahin naman natin sila kung gaano ka-sweet.

“Ang wala na, e, talagang tapos na. Pero saan ka naman makakakita ng magkarelasyong break na, pero wala namang nagbabago sa mga ginagawa nila? Meron ba namang break nang nagkikita pa rin?

“At sa house pa ng lalaki? Nagpupunta du’n ang girl, matagal siyang nandu’n, so ‘yun ba ang break na raw? Sana, hindi nila sinasabi ‘yun dahil maloloko nila ang ibang tao, e, hindi nila puwedeng mabilog ang ulo ng mismong mga kapitbahay nila na nakakakita sa kanila na magkasama!

“‘Yung guy pa naman, mahilig talaga siyang dalhin sa housing authority niya ang mga nagiging karelasyon niya! Nakikita rin dati du’n ang mga ex niya, madalas du’n si ____ (pangalan ng aktres na ipinalit ng guy sa isang young actress din).

“Halos du’n na nga yata nakatira ang babaeng ‘yun, e! Kaya tantanan na ang mga kadramahan ng magkarelasyong ‘yan! Sila pa rin, never silang naghiwalay, duma-drama lang sila para panoorin ang pelikula nila!” naiinis pang kuwento ng aming source.

Bradly Guevarra at Tita Nene Ulanday, sobrang obyus na kung sinu-sino sila, kaya wala nang clue.

Read more...