Pinoy fans ni Jet Li naalarma sa viral photo; bigla raw tumanda


NAG-VIRAL ang isang litrato sa social media na pinaniwalaan ng maraming netizens na siyang itsura ngayon ng Hollywood superstar na si Jet Li.

Ayon sa mga nabasa naming komento sa socmed, may sakit daw ngayon ang sikat na international star kaya bumagsak bigla ang kalusugan nito. Balitang patuloy na nakikipaglaban si Jet Li sa sakit na hyperthyroidism, “a condition that can cause fatigue and weight loss,” na maaaring sanhi ng kanyang pagtanda at pagpayat.

Ilang netizens naman ang naglabas ng nasabing viral photo at ng ilang litrato sa Instagram account ni Jet Li para pagkumparahin ang kanilang itsura. May nagsabing may pagkakahawig ang dalawa pero mas marami ang naniniwala na hindi ang action star ang nasa viral picture.

Kasabay nito, naglabas naman ng ult ang The Washington Post na hindi si Jet Li ang nasabing matanda at walang dapat ikabahala ang kanyang mga fans sa health condition nito.

Ayon sa official statement ng manager ni Jet Li na si Steven Chasman, “He has hyperthyroidism that he’s been dealing with for almost 10 years. It’s nothing life-threatening and he’s dealing with it. I guess it’s sensationalism.”

Nakilala si Jet Li sa mga blockbuster movies na “Shaolin Temple” at “Once Upon In China” na ipinalabas noong dekada 80 at 90. Mas bumongga ang kanyang career nang mapasama siya sa mga Hollywood films tulad ng “Lethal Weapon 4,” “Romeo Must Die,” “The Expendables” at “Forbidden Kingdom”.

Read more...