Umaasang gaganda ang buhay, ekonomiya kumonti-SWS

KUMONTI ang mga Filipino na naniniwalang gaganda ang buhay sa susunod na 12 buwan, ayon sa survey ng Social Weather Stations (SWS).

Nabawasan din ang mga Filipino na naniniwala na gaganda ang ekonomiya ng bansa sa susunod na isang taon.

Ayon sa survey na isinagawa noong Marso 23-27, ang mga naniniwala na gaganda ang kanilang buhay sa susunod na 12 buwan ay 46 porsyento samantalang ang mga naniniwala na hindi ay anim na porsyento o net optimism na 40 porsyento.

Sa survey noong Disyembre ang mga naniniwala na gaganda ay 49 porsyento at ang hindi ay tatlong porsyento o net optimism na 46 porsyento.

Ang mga nagsabi na gumanda ang kanilang buhay sa nakaraang 12 buwan ay 41 porsyento at ang hindi ay 21 porsyento o net na 20 porsyento.

Noong Disyembre 41 porsyento ang gumanda ang buhay, 18 porsyento ang hindi o net na 23 porsyento.

Ang mga naniniwala naman na gaganda ang ekonomiya ay net na 31 porsyento (42 porsyento na gaganda at 12 na hindi).

Sa mas naunang survey ang net optimism ay 42 porsyento (52 porsyento na gaganda at siyam na hindi.
Kinuha sa survey ang opinyon ng 1,200 respondents

Read more...