P119.3M jackpot hindi nakuha

WALANG tumama sa P119.3 milyong jackpot prize ng Ultra Lotto 6/58 sa bola Martes ng gabi.

Ayon sa Philippine Charity Sweepstakes Office walang tumaya sa winning number combination na 32-57-01-49-09-19.

Posibleng umabot sa P123 milyon ang jackpot prize ng Ultra Lotto sa Linggo.
Nanalo naman ng tig-P256,990 ang apat na mananaya na nakakuha ng limang lumabas na numero.
Tig-P2,210 naman ang tinamaan ng 371 mananaya na nakakuha ng apat na numero. Balik naman ang P20 taya ng 10,047 mananaya na nakatatlong numero.
Wala pang tumatama sa jackpot prize ng Ultra Lotto mula noong Pebrero 18. Binobola ito tuwing Martes, Biyernes at Linggo.

Huling tinamaan ang jackpot prize noong Pebrero 16 kung saan dalawang mananaya ang naghati sa P331.9 milyong jackpot prize.

Read more...