‘Coffee Prince’ star balik sa K-Drama after 5 years

KOREAN word of the week: Sunbae – Nangangahulugan ito ng “senior” sa Korea at kalimitang ginagamit sa paaralan. Isa sa mga sikat na sunbae ay ang karakter ni Yoon Ji Hoo sa Boys Over Flowers na ginampanan ng aktor na si Kim Hyun Joong. Itinanghal pa si Hyun Joong bilang “The Nation’s Sunbae” sa Korea.

q q q

Balik-Korean drama ang actress na si Yoon Eun Hye matapos mawala ng halos limang taon sa limelight.

Ayon sa ulat, kinumpirma ng kanyang talent agency na bibida si Eun Hye sa Korean series na Love Watch. Ito ay base sa sikat na web novel na may titulo ring “Love Watch.”

Matatandaang nakilala nang husto si Eun Hye sa kanyang pagganap sa Coffee Prince kasama ang Korean superstar na si Gong Yoo. Dahil sa kasikatan ng Coffee Prince, bukod sa ipinalabas sa GMA 7, ginawan din ito ng Pinoy version na pinagbidahan nina Kris Bernal at Aljur Abrenica.

Huling napanood si Eun Hye sa K-drama na Merry Me If You Dare.

Kabilang naman sa kanyang mga hit series ang Lie To Me na ipinalabas din noon sa GMA 7.

Read more...