MAGKAKAROON din ng bagong K-Drama ang heartthrob na si Park Bo Gum, ito’y kung sakaling tanggapin na nito ang proyektong Boyfriend.
Ayon sa ulat, inaalok kay Bo Gum ang proyekto bagamat hindi pa ito tinatanggap ng aktor.
Ayon sa agency ni Bo Gum na Blossom Entertainment, bagamat totoong in-offer sa aktor ang proyekto, isa lamang ito sa mga bagong series na pinag-aaralan para sa kanya.
Huling napanood si Bo Gum sa Korean hit drama na Moonlight Drawn by Clouds noong 2016.
Matatandaang ipinalabas sa ABS-CBN ang Moonlight Drawn By Clouds.
Ayon pa sa ulat, inaalok din kay Bo Gum ang K-drama na People of Incheon Airport. Balitang mabenta si Bo Gum sa mga romcom sa Korea dahil na rin sa galing nito sa pagpapakilig.
MOST READ
LATEST STORIES