Anak ni Digong at 2 apo nabakunahan ng Dengvaxia — Bong Go

SINABI ni Special Assistant to the President (SAP) Christopher “Bong” Go na nabakunahan din ng Dengvaxia vaccine ang bunsong anak ni Pangulong Duterte na si Veronica “Kitty” Duterte at dalawang apo niya sa anak na si dating Davao City vice mayor Paolo “Pulong” Duterte.

Idinagdag ni Go na mismong ang long-time partner ni Duterte na si Honeylet Avanceña ang nagkumpirma nito matapos silang bumisita sa Tacloban City.

“May nagtanong kanina kung na-inject raw ba si Kitty at ‘yung dalawang anak ni Paolo, kinonfirm naman po ng mga nanay nila na positive po na-inject po sila,” sabi ni Go sa isang panayam sa ika-120 anibersaryo sa Philippine Navy sa Maynila.

Read more...