Ayon sa chairman ng komite na si Davao City Rep. Karlo Nograles walang expiration ang pondo na magagamit lagpas ng 2019 hindi katulad ng kasalukuyang budget na dalawang taon lamang ang validity period.
“It will be effective until it is fully spent,” ani Nograles sa pagdinig kahapon. “The fund can be used and (its use will be) extended to 2022. It will be like perpetual fund.”
Hiniling ni Department of Health Usec. Rolando Domingo sa Kamara de Representantes at Department of Budget and Management na huwag lagyan ng prescription period ang supplemental budget.
Ang pondo ay manggagaling sa P1.16 bilyong ibinalik ng Sanofi Pasteur, ang manufacturer ng Dengvaxia.
Sa naturang pondo, P945.8 milyon ang inilaan para sa medical assistance sa mga nabakunahan.
Sinabi ni Nograles na nais nila na agad na maaprubahan ang panukala bago mag-adjourn ang sesyon sa Hunyo 1.
Ayon kay Domingo mayroong sertipikasyon mula sa Pangulo ang panukala.
“This committee will send it to the floor…Could you send me the certification because I plan to have this approved on the floor by next week, for second and third reading. We still have to send it to the Senate,” ani Nograles kay Domingo.