MULING pinatunayan ni Cleveland Cavaliers forward LeBron James na isa pa rin siya sa mga pinakamahuhusay na manlalaro ngayon sa NBA.
Kahapon ay tumira si James ng 44 puntos para pagbidahan ang 111-102 panalo ng Cavs laban sa bisitang Boston Celtics.
Babalik ang best-of-seven series sa kampo ng mga Celtics sa Huwebes na tabla ang serye, 2-2.
Hindi pa natatalo sa homecourt nito ang Celtics sa siyam na laro sa kasalukuyang Playoffs.
“It’s a hostile environment,” sabi ni James. “We understand that, we know that there’s no love in there. If you ain’t got on green, if you don’t play for that team, if you don’t bleed green, they got no love for you.
So we’ve got to come out with a bunker mentality and understand it’s just us. It’s going to be a great atmosphere.”
Target ng Cleveland na maging ika-20 koponan—sa kabuuang 300 — na makabangon mula sa pagkakalubog na 0-2 sa isang best-of-7 series.
Nakasalalay sa seryeng ito ang isang puwesto para sa NBA Finals kung saan puntirya ni James na marating ito sa ikawalong diretsong taon.
“It’s the best two out of three to go to the NBA Finals. Doesn’t get better than that,” sabi naman ni Celtics coach Brad Stevens. “Ultimately, anybody that didn’t think this was going to be tough, I mean, everything is tough. In this deal, it’s a blast to have to grit your teeth, get up off the mat and go after it again.”
Nagdagdag naman ng 14 puntos si Kyle Korver habang si Tristan Thompson ay may 13 puntos at 12 rebounds para sa Cavs.