Jameson Blake: Ang lalaking walang pahinga!


NAGKAKANDAKUBA man sa magkakadikit na schedules sa trabaho, sugod lang nang sugod si Jameson Blake para hindi sumabit sa kanyang mga natanguang commitments.

Bukod kasi sa pagpu-promote ng first lead role niyang “So Connected” kasama si Janella Salvador, may tinatapos pa siyang isang movie, ito nga yung “Ang Babaeng Allergic Sa Wi-Fi” mula sa direksyon ni Jun Lana.

May sinimulan din siyang teleserye so can you imagine ang hirap ng young actor sa paglagare sa kanyang mga trabaho?

Ang balita namin kahapon, kailangan niyang mag-promote ng “So Connected” sa isang TV show and at the same time, last shooting day ng ginagawa niyang movie. Take note na out of town ang location ng shoot at day effect lang ang shooting, huh!

Eh, kesa matuliro sa magkakadikit na sked, si Jameson na mismo ang gumawa ng paraan para magawa ang lahat ng kanyang commitments. Spell, professionalism at lalaking walang pahinga!

Read more...