PROUD mom ulit si Marjorie Barretto sa kanyang bunsong anak na si Erich na tinawag niyang “superstar.” Feeling siguro ni Marjorie ay lalampasan pa ni Erich ang kasikatang tinatamasa ng kanyang mga “ate” na sina Julia at Claudia Barretto once mag-showbiz na rin ang bagets.
Sa ngayon, gumagawa na ng pangalan si Claudia sa showbiz. But unlike Julia, mas pinili ni Claudia ang maging singer sa ngayon. Nakausap namin ang dalagita sa launch ng kanyang self-titled debut album under Universal Records at inamin niyang mahiyain pa rin siya sa harap ng tao.
“Actually I’m still working on it. I’m actually doing much better. I was even more shy before but, I think the more I do it the more comfortable I learned to get. I think it’s just really by experience that I can overcome it,” lahad ni Claudia.
Humingi na rin daw siya ng advice kay Julia on how to overcome her shyness, “But then, I mean, we’re very different when it comes to doing things like this. She’s more confident. But I think what’s really helped me more than anything is really just the experience.”
Nakatakdang umalis ng Pilipinas si Claudia at mamalagi sa LA for a couple of weeks. Doon daw kasi niya gustong mag-training to improve her craft.
Mabilis namang nilinaw ni Claudia na mag-isa lang siyang pupunta ng Amerika. Hindi raw niya kasama si Marjorie at lalong hindi rin ka-join ang kanyang boyfriend na si Basti Lorenzo.
Isang professional golfer si Basti at tambayan niya ang Manila Polo Club sa Forbes Park. Anak siya ni Martin Ignacio Paez Lorenzo, ang may-ari ng Teriyaki Boy, Yellow Cab, Dencio’s, Sizzlin’ Pepper, Le Coeur de France at marami pang iba.
q q q
Bumida sina Kira Balinger at Yves Flores bilang magkasintahang sinubok ng isang aksidente noong Sabado sa Maalaala Mo Kaya. Magkaiba man ng prayoridad sa buhay ay pinaglapit pa rin ng tadhana sina Grace (Kira) at Vhinez (Yves) nang nadiscover sila ng isang lalaking nagpasok sa kanila sa mundo ng pagmomodelo.
Tatlong buwan pa lang sila na ganap na magkasintahan ng isang dagok ang dumating sa buhay nila. Naaksidente ang kanilang sinasakyan na nagdulot ng pagkasira ng kanilang mga mukha.
Ang nasabing MMK episode ay sa direksyon ni Nuel Naval at sa panulat ni Benson Logronio.