Tama na po, irespeto n’yo naman ang pagluluksa ni KIM! – XIAN LIM

PAGKATAPOS magsalita ng tatay ni Kim Chiu para idepensa ang anak sa mga nagsasabing walang kuwentang anak ang aktres dahil nga itinuloy pa rin nito ang pagpunta sa Thailand kahit na nilalamayan pa ang kanyang namatay na ina, ang masugid naman niyang manliligaw na si Xian Lim ang nagtanggol dito.

Sabi ni Xian, may personal na dahilan si Kim kung bakit niya nagawa ang ganu’n, hindi naman daw ibig sabihin nito ay binastos na niya ang burol ng kanyang inang si Louella Yap Chiu. Sana raw ay respetuhin na lang ang pagdadalamhati ni Kim at ng pamilya nito.

“I just want to say na sana respeto lang towards Kim and her whole family, di ba? Kasi merong mga lumalabas na mga bali-balita… I mean, it’s not helping Kim in any way. It’s not helping the situation,” ani Xian sa isang interview.

“Lagi ko sinasabi, people are always going to have something to say. Ang masasabi ko lang, tama na, respeto lang kay Kim, respeto sa pamilya niya. Kasi kung palagi tayong makikinig sa mga gawa-gawang istorya na walang basehan, it’s not helping us in any way,” paliwanag nito.

Bumilib din siya sa kanyang ka-loveteam dahil nu’ng namatay si Mrs. Yap ay nagpunta agad sa Cebu si Kim, “Nu’ng time na wake, the day when her mom passed away, she flew to Cebu, then after that I followed to check up on her, kung kumusta na siya.”

Hirit pa ng binata, “She’s… I can’t really say she’s doing okay, but she’s trying to stay strong… She’s recovering. And I will do my part para pagaanin ang dinadala niya.”

Read more...