JESSY MENDIOLA: Grabe! Wala po akong pinalaglag na baby!


Speaking of Jessy Mendiola, humingi muna kami ng permiso sa taga-Star Magic kung puwede naming tanungin ang isyung ito tutal nagpaka-honest na rin naman ang dalaga sa kanyang solo presscon  para sa bago niyang teleserye sa ABS, ang Maria Mercedes.

Inamin na kasi ni Jessy na halos dalawang taon silang naging magkarelasyon ni JM. Kaharap ang TV Patrol segment host na si Gretchen Fullido nang tanungin namin kung totoong nagpalaglag siya noong sila pa ni JM na dahilan kaya hanggang ngayon ay hindi maka-move on ang aktor dahil nga hindi siya pabor sa ginawa ng dalaga.

“Ha! Nakupo!, Hindi po. At if ever po mangyari ‘yun, hindi ko po ‘yun ipapatanggal, I will stand up kung anong meron ako (sabay muwestra sa tiyan niya) at hindi ako ganu’ng tipo ng tao,” bagama’t nabigla ay maayos namang sagot ni Jessy.

At muli naming tinanong na itutuloy pa rin niya (pagbubuntis) maski mawala ang career niya? “Kahit po mawala ang career, mawala na ang lahat, huwag lang ‘yun,” sabi ulit sa amin ng aktres.

Diretsong tanong namin kay Jessy kung may pagmamahal pa siyang natitira kay JM? “Wala na po, romantically wala na, bilang kaibigan na lang.”

Read more...