JM DE GUZMAN mas lumala pa ang kundisyon, dinala sa rehab?

Trulili kaya ang nakarating na balita sa amin na dinala na raw sa rehabilitation center si JM de Guzman noong nakaraang linggo?

Sayang at tapos na naming ma-interview si Jessy Mendiola nang malaman namin ang balitang ito, e, di sana’y nakunan namin siya ng reaksyon.

Si Jessy daw kasi ang dahilan kung bakit nawawala ngayon sa sirkulasyon ang aktor dahil hindi pa rin siya maka-move on sa kinahinatnan ng kanilang relasyon.

“Hindi na niya kayang labanan ang problema niya kaya ipinasok na siya sa rehab, makakatulong ito sa kanya,” say ng aming source.

At wala na rin pala sa Star Magic si JM ayon sa isang nakausap namin, hindi na kasi ni-renew ang kontrata niya. “Alam ko hindi na siya ni-renew, but we still help him kung may inquiry, ang problema lang, maski na anong tulong ang gawin namin kung hindi naman niya tinutulungan ang sarili niya, anong mangyayari, di ba?

Sayang, magaling na aktor si JM at napakabait na bata,” kuwento sa amin. Totoo naman, napakahusay na artista ni JM at mabait pang tao, nagkataon lang siguro na hindi pa niya kayang dalhin ang mga problema niya sa buhay.

Read more...