Lanao del Sur niyanig ng magnitude 4.2 na lindol
Leifbilly Begas - Bandera May 20, 2018 - 03:08 PM
NIYANIG ng lindol na may lakas na magnitude 4.2 ang Lanao del Sur kaninang umaga. Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology naramdaman ang lindol alas-10:21 ng umaga. Ang sentro nito ay limang kilometro sa silangan ng bayan ng Wao. May lalim itong apat na kilometro at sanhi ng paggalaw ng tectonic plate sa lugar. Nagdulot ito ng Intensity III sa Wao at Kalilangan sa Bukidnon. Intensity II naman sa Baungon, Bukidnon at Cagayan de Oro City.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.
What's trending