ABS-CBN waging TV Station of the Year sa Rotary Club

KINILALA ng Rotary Club of Manila ang ABS-CBN para sa natatanging kontribusyon nito sa media at pinangalanang Television Station of the Year.

Ginawaran rin ng tropeo ang pito nitong beteranong mamamahayag sa iba’t ibang kategorya.

Panalo si Ted Failon ng TV Patrol bilang Male Television Broadcaster of the Year, habang si Annalisa Burgos naman ng Early Edition ang panalong Regional Female Broadcaster of the Year. Panalo rin ang mga broadcast journalist na sina Doris Bigornia at RG Cruz ng Television Female Reporter of the Year at Television Male Reporter of the Year.

Sa kategoryang AM radio naman, pinangalanang Male Radio Broadcaster of the Year ang DZMM “Radyo Patrol 630” anchor na si Vic De Leon Lima. Nagwagi rin ang mga ABS-CBN DXAB Davao anchor na si James Galay at Rosemarie Ann Diaboro bilang Regional Male Broadcaster of the Year at Regional Female Broadcaster of the year.

Inilunsad ang Rotary Club of Manila Journalism Awards noong 1966 upangkilalanin ang mga natatanging kontribusyon ng mga indibidwal sa print, radio, at telebisyon, upang suportahan ang pagunlad ng pamamahayag sa Pilipinas.

Isa ito sa mga pinakakilalang award-giving body sa larangan ng pamamahayag.

q q q

Inililabas na ng rising singer na si Jayda ang kanyang kauna-unahang single na “Text” kamakailan kasama ang makulay na music video nito sa ilalim ng Star Music.

Ito ang unang proyekto ng record label para sa 14-anyos singer bilang isa sa mga pinakabagong miyembro ng Star Music family.

Sa naganap na music video launch ng “Text,” ikinuwento ni Jayda na isinulit niya ang mga kanta noong siya ay 12 taong gulang pa lamang. Anya, “Matagal ko nang hinintay ito. Isa siyang come true para sa akin.”

Kabilang ang “Text” sa upcoming EP ni Jayda na may titulong “In My Room.” Tampok dito ang limang orihinal na kanta, lahat isinulat, at co-produced ni Jayda mismo.

Maaari nang ma-download ang first single ni Jayda na “Text” sa Spotify, iTunes, at Amazon, habang ang kaniyang music video ay mapapanood sa official YouTube page ng Star Music.

Read more...