BIBIDA sina Kira Balinger at Yves Flores bilang magkasintahan sinubok ng isang aksidente ngayong Sabado ng gabi sa isa na namang espesyal na episode ng Maalaala Mo Kaya hosted by Charo Santos.
Magkaiba man ng prayoridad sa buhay ay pinaglapit pa rin ng tadhana sina Grace (Kira) at Vhinez (Yves) nang na-discover sila ng isang lalaking nagpasok sa kanila sa mundo ng pagmomodelo.
Sa ilang buwan nilang pagsasama, unti-unting nahulog si Vhinez sa dalaga hanggang sa isang araw ay nagtapat na ito ng kanyang tunay na nararamdaman. Noong una ay hindi ito sinuklian ni Grace ngunit dahil sa pagpupursige ng binata ay binigay rin nito ang kanyang matamis na oo.
Tatlong buwan pa lang silang magkarelasyon nang dumating ang isang matinding pagsubok sa kanilang buhay – naaksidente ang kanilang sinasakyan na nagdulot ng pagkasira ng kanilang mga mukha.
Paano kaya nalampasan ng dalawa ang pagsubok na ito sa kanilang karera at relasyon?
Makakasama rin nina Yves at Kira sa MMK episode na ito sina Irma Adlawan, Carlos Morales, Rochelle Barrameda, Fifth Pagotan, Kamille Filoteo at Avery Balasbas.
Ang episode na ito sa direksyon ni Nuel Naval at sa panulat ni Benson Logronio. Ang MMK ay pinamumunuan ng business unit head na si Roda dela Cerna.
Abangan ang longest-running drama anthology sa Asya, ang MMK tuwing Sabado ng gabi sa ABS-CBN.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.