P120M jackpot mailap

WALANG nanalo sa P120.9 milyong jackpot prize ng Grand Lotto 6/55 sa bola noong Miyerkules ng gabi.

Hindi pa tinatamaan ang jackpot prize ng Grand Lotto mula noong Pebrero 21 kaya lumaki na ito.

Sa bola noong Miyerkules lumabas ang winning number combination na 39-38-10-34-46-12.

Nanalo naman ng tig-P200,000 ang apat na mananaya na nakakuha ng limang numero.

Tig-P2,090 naman ang tinamaan ng 474 mananaya na nakaapat na numero at balik ang P20 taya ng 11,196 mananaya na nakakuha ng tatlong numero.

Huling tinamaan ang jackpot prize ng Grand Lotto noong Pebrero 19. Isa ang nanalo ng P64.2 milyon.

Read more...