2 namimitas ng santol nakuryente, patay

NASAWI ang isang lalaki at binatilyo nang makuryente habang namimitas ng santol sa taas ng isang traktora, sa Kabankalan City, Negros Occidental, Miyerkules ng hapon.
Dead on arrival sa ospital ang driver ng traktora na si Teopilo Teves, 58, at kasama niyang si Reniel Ambong, 15, ayon sa ulat ng Negros occidental provincial police.
Naganap ang insidente dakong alas-4:30, sa Granada st., Brgy. 3.
Sinusungkit ni Teves ang mga bunga ng santol gamit ang isang bakal na tubo, habang nakatayo sila ni Ambong sa taas ng nakaparadang traktora doon.
Aksidenteng sumabit ang tubo sa kalapit na live wire kaya agad nakuryente si Teves, at dumaloy din ang kuryente sa katawan ng kasamang binatilyo, dahil bakal ang kanilang tinuntungan, ayon sa ulat.

Read more...