Korean actor kinasuhan ng sexual harassment

KINASUHAN ang Korean actor na si Lee Seo Won ng sexual harassment at making threat with a weapon matapos ireklamo ng isang Korean female celebrity.

Batay sa ulat, kinasuhan ng Seoul Gwangjin Police si Seo Won matapos ireklamo ng sexual harassment ng isang actress.

Idinagdag ng Seoul Gwangjin Police na inendorso na nito ang kaso sa Seoul East District Prosecutors’ Office.

Tinangka umano ni Seo Won na halikan ang female celebrity habang sila ay nag-iinuman. Binantaan pa umano ni Seo Won ang biktima gamit ang isang sandata.

Ayon pa sa ulat, minura at sinigawan din umano ni Seo Won maging ang isang pulis.

Humingi naman ng sorry ang agency ni Seo Won na Blossom Entertainment.

Dahil sa pangyayari, tinanggal na si Seo Won sa upcoming Korean drama na “About Time” at bilang host ng “Music Bank”.

Napanood si Seo Won sa Uncontrollably Fond, Hospital Ship, The Liar and His Lover.

Read more...