Sakit na ‘Achondroplasia’ tampok sa bagong serye ni Nora

NORA AUNOR

INIHAYAG na ng Kapuso Network ang final title ng series ni Nora Aunor sa GMA, ang Onanay, mula sa working title na Extraordinary Love.

Tatalakayin ng programa ang relasyon ng anak at ina na may sakit na Achondroplasia, isang bone growth disorder, at dalawang anak na normal ang paglaki. Lalabas na lola si Ate Guy na proud sa konsepto ng programa dahil tatalakayin nito ang naturang sakit.

“Napakasaya ko po dahil binigyan ako ng pagkakataon ng GMA na magkaroon ng bagong show. Gusto ko ‘yung teleserye at maganda ang istorya.

“Tungkol ito sa kung paano magmahal ang isang ina sa isang anak, at kung paano ipagtanggol ang isang anak ng ina,” pahayag ni Nora.

Mula sa direksyon ni Gina Alajar, kasama ng superstar sa Onanay sina Mikee Quintos, Kate Valdez at Cherie Gil.

Introducing rito si Jo Berry na nag-audition para sa role ni Onay na tunay na may growth disorder.

Read more...