NAGKAUSAP na ang bagong Department of Tourism (DOT) Secretary na si Berna Romulo-Puyat at Tourism Promotions Board (PTB) Chief Operations Officer Cesar Montano kaugnay ng diumano’y agaran niyang paglayas sa isang event ng DOT after his 2-minute speech para lang manood ng musical play na “Hamilton.”
Sa interview nina Ali Sotto at Arnold Clavio sa DZBB program nila kahapon kay Sec. Berna, sinabi sa kanya ni Cesar na bago mag-speech, nagtagal siya sa event at hindi ‘yung pagdating, nagsalita at agad lumayas.
Pagdating sa ibang detalye, sinabi pa ng Secretary na hayaan na lang si Cesar na magsalita tungkol dito.
Sa Carinderia Project ng PTB worth P80 million na wala raw ginanap na bidding na kalakaran sa bawat project ng gobyerno, may formal explanation na si Montano tungkol dito at in good faith naman daw ang ginawa ng aktor bago ito isinakatuparan.
Pero wala pang final na desisyon si Sec. Romulo-Puyat kung ipagpapatuloy pa ito o sususpindihin dahil sa kawalan ng bidding.