Magkaibigang female star nasira ang relasyon dahil lang sa lalaki

PALAISIPAN sa amin kung bakit ang dating malapit na magkaibigang aktres ay hindi na okay ngayon. May kinalaman kaya ito sa aktor na na-link sa kanila?

Tsika ng isang taong nakausap namin na may alam sa kuwento, “Di ba alam mo namang magjowa dati sina ____ (aktres A at kilalang aktor) at nu’ng nagkahiwalay, si ____ (aktres B) ang umaalalay kay (aktres A). Kesyo kalimutan na ‘yung guy at mag-move on na.

“Heto na. Dahil laging nagkakasama sa projects sina ____ (aktres B) at si ____ (aktor) nag-develop sila pero hindi rin tumagal ang relasyon nila dahil alam nilang marami silang masasagasaan.

“E, nalaman ni ____ (aktres A), kaya sumama nang husto ang loob niya kay ____ (aktres B). Hanggang sa pati work nila ay naapektuhan na at ayaw nilang magkita sila nang mata sa mata kaya nag-iiwasan sila.

“Hindi naman puwede iyon dahil iisa ang talent manager nila bukod pa sa iisa rin ang road manager nila. At para makaiwas nang husto, si _____ (aktres A) ay nag-request sa manager nila na bigyan siya ng ibang road manager na pinagbigyan naman. Kaya ngayon hindi na sila nagkikita,” aniya pa.

Nanghihinayang kami sa pagkakaibigan ng dalawang aktres, saksi rin kami kung gaano sila ka-solid noon pero nawasak nga dahil lang sa lalaki.

Ang aktor naman na feeling guwapo dahil nga maraming babae ang nagkakagusto sa kanya, ay balitang wala ring respeto sa babae.

Read more...