Bobo ba o tanga si taxi driver? | Bandera

Bobo ba o tanga si taxi driver?

|December 22,2009
facebook
share this

Bobo ba o tanga si taxi driver?

- December 22, 2009 - 01:19 PM
ANG alam natin ay matatalino (at pilosopo pa) ang mga taxi driver.
Pero, itong si “boss” ang pinakabobong taxi driver kamakalawa ng gabi sa Quezon City.
Ayon sa pulisya, si boss ay hindi kumita sa pamamasada, kaya nang may pumara sa kanya sa Commonwealth ave., laking tuwa ni boss dahil sa wakas ay may customer na rin siya.
Sinabi ni boss na inutusan siya ng pasahero may dadaanan sila sa Old Balara at kukunin lamang niya ang ilang damit.
Habang daan ay nakuha sa kuwento si boss kaya’t panatag na ang loob nito.  Pagdating sa Old Balara, nanghiram ang pasahero ng P750 kay boss dahil may mahalagang babayaran lang.
Sinabi umano ng pasahero na dadalhin niya ang damit sa Philcoa at doon na rin siya babayaran ng utang.
Lubos na ang tiwala ni boss kay pasahero.  Hanggang sa nang paghintayin si boss ng pasahero at namuti ang kanyang mga mata sa kahihintay.
Hindi na nagbalik ang suspek.

LEIFBILLY BEGAS, Reporter, House of Representatives

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending