Robredo wealth bumaba

NABAWASAN ang yaman ni Vice President Leni Robredo, ayon sa kanyang inihaing Statement of Assets, Liabilities and Networth noong 2017.

Mula sa P8.878 milyon networth noong 2016, si Robredo ay nagdeklara ng P1.114 milyon noong Disyembre 2017.

Si Robredo ay nagdeklara ng P13.014 milyong assets na kinabibilangan ng real estate properties at sasakyan.

Nagdeklara naman siya ng P11.9 milyong utang noong 2017, mas mataas sa kanyang utang na P6.9 milyon noong 2016.

Si Robredo ay mayroon umanong utang sa estate ni Marcelina Robredo (P1 milyon), estate ni Jose Robredo (P2 milyon), Jose Robredo Jr. (P1.15 milyon), Jocelyn Austria (P2 milyon), Salvacion Gerona (P750,000), Pablito Chua (P1 milyon), Vicente Hao Chin Jr. (P2 milyon) at Rafael Bundoc (P2 milyon).

Nakasaad sa SALN ni Sereno na bumaba ang kanyang networth dahil sa partial counter protest fee na kanyang idineposito sa Presidential Electoral Tribunal kung saan dinidinig ang electoral protest na inihain ni dating Sen. Bongbong Marcos.

Read more...