Walang tumama sa winning number combination na 32-15-23-10-18-22, ayon sa Philippine Charity Sweepstakes Office.
Inaasahang aabot sa P110 milyon ang jackpot prize sa Biyernes.
Nanalo naman ng tig-P34,510 ang 25 mananaya na nakakuha ng lima sa anim na lumabas na numero.
Tig-P740 naman ang 928 mananaya na nakakuha ng apat na numero at balik ang P20 taya ng 16,579 mananaya na nakatatlong numero.
Huling tinamaan ang jackpot prize ng Ultra Lotto noong Pebrero 16. Pinaghatian ng dalawang mananaya ang P331.9 milyong jackpot prize.
Ang Ultra Lotto ay binobola tuwing Martes, Biyernes at Linggo.
MOST READ
LATEST STORIES