Kung pinili mong magmahal, dapat nakahanda ka ring masaktan! – Bea

GERALD ANDERSON AT BEA ALONZO

MAY malalim na pinagdaraanan ang relasyon nina Bea Alonzo at Gerald Anderson. Inamin ng Kapamilya actress na hindi talaga sila okay sa ngayon ng kanyang (ex) boyfriend.

Sa panayam ng Tonight With Boy Abunda, sinabi ni Bea na nag-uusap pa rin sila ni Gerald at, “Marami pa pong inaayos.” Last week, diretsong sinabi ng dalaga na single na uli siya “sa ngayon”.

Ayon sa bagong movie queen ng kanyang henerasyon, natutunan niya na ang pakikipagrelasyon ay isang “choice.”

“It’s what I learned habang tumatanda, ang importante lang ay hanggang saan yung mapapanindigan mong choice.

“Kasi in love, pain is inevitable. The moment you choose to fall in love, you choose to experience pain.

And I think it all boils down to who you want to experience all of that for,” sey ng dalaga.

Healthy din daw sa isang relationship ang maka-experience ng challenges, “Doon nagu-grow ang love.

Ang love naman hindi lang puro saya, e. Kapag mas marami na kayong pinagdaanan, mas stronger yung relationship.

“So kailangan paminsan-minsan, meron kayong pagdadaanan. Paminsan-minsan may matututunan kayo out of all those things na pagdadaanan ninyo,” aniya pa.

Tinanong din si Bea kung ano ang best quality ni Gerald na na-discover niya, “He’s a very responsible man. He’s responsible pagdating sa pamilya niya, sa mga kaibigan, sa mga kasama niya.”

Pero si Gerald daw yung tipo ng lalaki na hindi laging open sa feelings niya, “Lalaking-lalaki si Ge na tipong he lets me talk about my feelings all the time but minsan lang siya magsasabi ng nararamdaman niya. He communicates with me naman. Hindi lagi sa salita.”

Ikinakilig naman ng mga fans at supporters nila ni Gerald ang naging sagot niya sa tanong na, “kung huling araw na ng mundo, sino ang gusto niyang makasama? Aniya, “Siya siguro.”

Read more...