Du30 hindi nakarating sa Benham Rise | Bandera

Du30 hindi nakarating sa Benham Rise

- May 15, 2018 - 10:30 PM

NABIGO si Pangulong Duterte na makarating ng Benham Riise gaya ng nauna nang inihayag na plano matapos dumating ng late sa programa.

Unang inilabas ng Palasyo ang iskedyul ng pangulo kung saan alas-2 ng hapon ang inaasahang pagdating niya ngunit alas-4 na siya nakarating sa gitna ng dagat sakay ng isang F900 na eroplano.

Pinangunahan na lamang ni Duterte ang programa sa loob ng BRP Davao Del Sur na siyang naglayag patungong Benham Riise sakay ang mga scientist na magsasagawa ng pananaliksik sa Philippine Rise.

Hindi na rin natuloy ang planong pagsakay ni Duterte sa isang jetski papuntang Benham Rise.

Nag-jetski naman sina Special Assistant to the President (SAP) Christopher “Bong” Go at Presidential son Sebastian “Baste” Duterte bilang kanyang kinatawan, bagamat ginawa lamang ito sa palibot ng Casiguran Bay sa Aurora.

Sa kanyang talumpati, nangako naman si Duterte na pangangalagaan ang Benham Rise sa harap ng patuloy na pag-angkin ng China sa mga pag-aari ng Pilipinas.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending