Sexy actress hiniwalayan na ang asawang aktor, sawa na sa pagiging ‘sugar mommy’

UMUGONG nu’n ang kuwentong hiwalay na ang magkarelasyong sexy actress at ang kanyang mister.

Kinumpirma naman ‘yun ng kanilang mga kasamahan sa trabaho.

Wala pang nagsasalita sa kanilang dalawa, tahimik din ang mga taong malapit sa kanila sa ngayon, hinihintay siguro ng mga ito na sila mismo ang magbigay ng kumpirmasyon tungkol sa kanilang hiwalayan.

Pero imposibleng maikaila pa nila ang katotohanan dahil may kani-kanyang lakad na ngayon ang magkarelasyon. Deadma na sila sa isa’t isa.

Kuwento ng aming source, “Dati kasi, pagkatapos ng work ng girl, e, diretso na siya sa house nila. Bonding na agad sila ng loves niya, saka ng anak nila.

“Pero ngayon, lumalabas na muna ang girl kasama ang mga friends niya. Tsine-check na lang niya ang anak niya, hindi tulad nu’n na after work, e, uwi na agad siya,” sabi ng aming impormante.

Totoo kaya ang kuwentong pinagpipistahan ngayon na may katamaran ang lalaki? Puro ang babae lang kuno ang gumagastos sa kanilang bahay, puro ang sexy star ang taya sa lahat ng gastos, dahil wala namang maitutulong ang lalaki.

Patuloy ng aming source, “May work din naman ang guy, nag-aartista rin naman siya, di ba? Kaya nga lang, e, hindi naman kalakihan ang kinikita niya, kaya natural, ang girl ang gumagastos sa pagsasama nila, ‘yun ang nangyayari.

“Nagsawa na siguro ang girl sa ganu’ng set-up ng relasyon nila, gusto niya namang makawala sa ganu’ng klase ng relasyon na para siyang sugar mommy, e, napakabata pa niya para maging ganu’n!

“Ayaw naming paniwalaan ‘yung lumabas na kuwento na masawain daw kasi ang girl. Wala raw siyang nagtatagal na relasyon dahil maaga siyang magsawa.

“Puwede ‘yun nu’ng bagets pa siya, marami siya talagang nakarelasyon, nakipag-live-in nga siya nang napakaaga, di ba? May pagkaselosa kasi ang girl, may sariling mundo rin kasi ang babaeng ‘yun, e!

“Ayaw pa nilang magsalita dahil siguro, e, tina-try pa rin nilang maiayos ang kung anumang problema nila sa ngayon, pero totoo, magulo ang sitwasyon nila ngayon.

“Ang sister kaya ng girl ang magsalita tungkol sa kapatid niya? Puwede!” sabi pa ng aming source.
Bradly Guevarra, Tita Nene Ulanday, Jon at Ching Bautista Silverio, getlak n’yo na kung sinu-sino sila?

Read more...