Kim ayaw patawag na ‘tita’ sa mga baguhang artista

KIM CHIU

TAWA kami nang tawa sa tinuran ni Kim Chiu na kailangan pa niya ng two or three years para pumayag siyang tawaging “tita.”

Pinag-usapan kasi ang insidenteng may tumawag na “tita” sa aktres na hindi raw niya alam kung paano mag-react. Feeling bagets at acting bagets nga si Kim na sobrang babaw ng kaligayahan lalo’t madali rin itong patawanin.

Halos semi-regular siya as co-host sa Showtime. At nu’ng minsan daw, ay nakita itong inihatid at sinundo ni Xian Lim.

Yes, kahit nasa ibang kuwadra na nga ang aktor (Viva Films) madalas pa rin daw itong tumuntong sa bakuran ng ABS-CBN dahil naroon nga ang super love niyang si Kim.

Read more...