Ronnie Patola King, dapat tularan si Jameson

RONNIE ALONTE AT JAMESON BLAKE

ANG feeling siguro ni Ronnie Alonte ay sisikat siya kapag patuloy siyang magiging patola sa social media.

Isa ang guwapong aktor sa mahilig pumatol sa mga bashers at magbigay ng kanyang opinyon na madalas ay kontra sa mga ito. May show si Ronnie na malapit nang matapos, napapanood din siya sa It’s Showtime. Nu’ng concert tour ni Vice Ganda, kasama siya sa mga guest ng Unkabogable star.

Pero, parang matamplay pa rin ang takbo ng career niya. Yung tandem nila ni Loisa Andalio ay tila hindi naman masyadong kinakagat ng mga tao kaya’t kailangang magpakontrobersyal ang aktor sa social media.

Ang tanong nga lang ay kailan kaya siya kakagatin ng todo gaya noong nagsisimula siya na halos sa kanya nakapokus ang atensyon ng marami?

***

Kabaliktaran naman ang nangyayari ngayon kay Jameson Blake, kasamahan ni Ronnie sa Hashtags.

May sariling isyu at kontrobersya rin ang guwapong ktor, pero ang lahat ng ito ay natutumbasan ng mga projects na tinatangkilik ng marami.

Among the Hashtag members, si Jameson pa lang ang nananalo ng acting award, though si Hashtag Maccoy de Leon ay napasama na rin sa “Best Acting Ensemble” ng isang award-giving body para sa The Good Son.

Hindi mahilig pumatol sa social media si Jameson kahit pa sumasagot din siya sa mga isyu gaya sa isyu nila ni direk Jun Lana, direktor niya sa isang movie na ginawa niya with Sue Ramirez.

At kahit kinukuyog siya ng fans nina Elmo Magalona at Janella Salvador na leading lady niya sa pelikulang “So Connected” ng Regal Films, naitatawid ni Jameson ang isyu ng walang masyadong kanegahan.

Slowly but surely nga kung umatake o umeksena si Jameson at tila mas effective yun kesa sa kaingayan at todong pagpatol ni Ronnie sa bashers.

Read more...