Dalawang beauty queen na may international titles ang una nilang inimbitahan to audition dahil bukod sa magaganda ang mga ito, taglay din nila ang husay sa pagsasalita at pagkakaroon ng kakaibang aura.
Magaling din daw magsulat ang mga ito bukod pa sa pareho silang bihasa sa Tagalog at English.
Nu’ng audition day, nagtaka ang taga-production dahil parang hindi magkakilala ang dalawa gayung pormal naman silang na-introduce sa isa’t isa. Kahit nasa iisang dressing room lang, parang Biyernes
Santo daw ang paligid sa pagdededmahan nila.
“Grabe naman ka-focused ang mga ito. Parang life and death ang audition na gagawin nila,” sey ng isang mataray na production staff.
Hanggang sa matapos ang audition, ay walang naganap na chikahan sa pagitan dalawang beauty queen na in the spirit of fairness, ay kapwa nagpa-impress sa production at agad silang nailagay sa short list ng mga pasado sa audition.
Nagtanong-tanong ang ilang staff sa mga tsismosang nakakakilala sa dalawa and it turned out na nu’ng nagsisimula pa lang sumabak sa mga local beauty contest ang mga ito ay na-involve sila sa iisang lalaki na naging boyfriend nila.
Yes, nagsalo sa iisang lalaki ang dalawang beauty queens at tila hindi naging maganda ang relasyon nila sa guy. Kilala raw sa larangan niya ang lalaki at aktibo rin ito sa pag-portray ng mga “kaibigan ng bida” sa TV at pelikula.
Galing din ito sa angkan ng mga kilalang model at parang kaanak pa ng isang dating Miss Universe. Ang isa sa mga beauty queen ay halos araw-araw napapanood sa TV, habang ang isa naman ay busy sa mga “earth-related” causes.