Karla, Melai, Jolens 2 taon nang nagbibigay ng ‘magandang buhay’ sa madlang pipol

DALAWANG taon na nagpapaganda ng inyong umaga ang momshies na sina Melai Cantiveros, Karla Estrada at Jolina Magdangal-Escueta sa ABS-CBN talk na Magandang Buhay kaya naman sa kanilang espesyal na anniversary episodes, happy TWO-gether silang tutungo sa Cebu at Bohol para sa exciting adventures at makabuluhang chikahan kasama ang kanilang mga espesyal na bisita.

Unang rumampa ang momshies sa Queen City of the South kung saan sasamahan sila ng Kapamilya leading lady na si Kim Chiu.

Dahil homecoming ni Kim, inikot niya ang momshies sa mga lugar na malapit sa kanyang puso tulad ng Cebu Cherish School kung saan siya nag-high school at sa Larsian kung saan paborito niya ang hinahaning barbecue.

Bukod kay Kim, makakasama din ng momshies para sa isang exclusive sit-down interview ang mag-asawang Paul Jake Castillo at Kaye Abad kasama ang kanilang cute na anakshie na si Pio Joaquin at newly engaged na Pinoy Big Brother Unlimited big winner Slater Young at fiancée na si Kryz Uy.

Mula Cebu, tutungo naman sila sa Bohol para bisitahin ang iconic destinations doon at para balikan ang masasayang alaala ng tubong Bohol din na si momshie Melai.

Isang instant reunion din ang magaganap sa pagitan ni Xia Vigor at ang kanyang popshie habang sasabak naman sa parasailing sa Panglao beach sina Melai at Jordan.

Hindi diyan natatapos ang pasabog ng Magandang Buhay para sa ikalawang anibersaryo nito dahil may gaganapin ding Momshie Fam Run sa May 26 at mamimigay din sila ng dalawang house and lots.

Huwag palampasin ang pagpapatuloy ng special anniversary episode ng Magandang Buhay na nagsimula na last Monday, 8 a.m. sa ABS-CBN o sa ABS-CBN HD (Skycable ch 167).

Read more...