Gary nakalabas na sa ospital: I’m getting stronger everyday!

GARY VALENCIANO

TULUY-TULOY na nga ang pagbuti ng kundisyon ni Gary Valenciano. Nagbigay ng update ang misis niyang si Angeli Pangilinan-Valenciano sa health condition ni Mr. Pure Energy sa pamamagitan ng kanyang Instagram account.

Matapos nga ang isang linggong pananatili sa ospital after his open heart surgery (dahil sa blocked artery sa main valve ng puso), tinanggal na ang huling tubo na nakakabit sa kanya kaya kung wala nang naging problema, ay nasa bahay na ngayon si Gary V.

Narito ang ipinost ni Ms. Angeli sa kanyang IG nitong nakaraang Mother’s Day: “Last tube out! ‘Let’s get this guy home.’ The cardiologist Dr. Enrique Posas said! God gave me, my mom, our sisters, Samantha, my nieces, my staff, my children & Mamita a wonderful gift.

“Gary is checking out this morning on Mother’s Day! Thank you for all the love and the prayers ! Happy Mother’s Day! I love you all. Tweet it!!! Post it! Praise the Lord because ~ #GaryVisGoingHome.”

Ito naman ang mensahe ni Mr. Pure Energy sa lahat ng kanyang fans na kanya ring ipinost sa IG, “Hi everyone! Time to go home, time to press the reset button—not reset, but the pause button para tumuloy ulit.

“Just need to recuperate quite a bit. Medyo mahirap pa rin to swallow, but getting better… all the time. And getting stronger every day, so…God bless you, give glory to Lord. And Happy Mother’s Day to all of the moms out there.”

Read more...